Linggo, Marso 5, 2017

Mga Natutunan ko sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Resulta ng larawan para sa larawan ng masayang pamilya clipart

Aralin 1:Ang Aking Pamilya Pahahalagahan Ko,

 "Nagiging masaya at makahulugan ang buhay,kung nagkakabuklod-buklod ang pamilya"
Ang natutunan ko sa araling ito na ang Pamilya ang pangunahin at ang pinakamahalagang bahagi ng lipunan.Sa pamilya rin natin unang natutunan ang magmahal,gumawa ng kabutihan,ang mga virtue at ang pagpapahalaga.Sila rin ang gumagabay sa atin upang lumaki tayo bilang isang mabuting bata.Kaya,sa Pamilya dapat mayroong pagkakaisa,pagmamahalan,pagpapahalaga at may komunikasyon sa bawat isa.Ito ang magiging susi upang tumibay at magkaroon ng magandang relasyon ang pamilya.

1 komento: